Ako nga pala si Shane Kyll R. Along at ako ay labinglimang taong gulang. Ipinanganak ako noong Disyembre 3, 1998 at ako ay kasalukuyang nasa ikatlong baitang sa Mataas na Paaralan ng Pasig City Science High School.
Masasabi kong isa akong normal na estudyante at tinedyer na mahilig gumamit ng teknolohiya, magbasa ng mga aklat, makinig ng musika, at alamin ang mga bagay-bagay tungkol sa mundo.
Ilan sa mga paborito kong mga musikero ay ang One Direction, ang 5 Seconds of Summer, ang The 1975, ang Imagine Dragons, si Birdy, si Lorde, si Ariana Grande, si Miley Cyrus, si Beyonce, si Ed Sheeran, si Cher Lloyd at marami pang iba.
Masasabi talagang mahilig akong makinig ng mga kanta lalo na kung ito ay nabibilang sa mga kategoryang indie, pop, punk, at rock. Mahilig akong makinig ng mga kanta sa mga musikerong hindi ko pa ganun kakilala o bago sa aking pandinig.




I love it!
TumugonBurahin