YouTubers



Isa ang youtube sa mga paborito kong website dahil libre lang naman manood ng mga videos dito. Noong tag-araw ng 2012, aking nadiskubre ang mga taong nagpo-post ng mga videos dito. Noong una, ako ay nabigla dahil mayroon palang komunidad sa youtube at sila ay tinatawag na mga youtubers. Ang mga youtubers na ito ay ang mga tao sa likod ng mga sikat na videos na mabenta hindi lamang sa mga bata o tinedyer ngunit pati na rin sa mga matatanda.


Ang ilan sa kanila ay gumagawa ng videos tungkol sa kanilang mga karanasan sa buhay. Ito ay tinatawag na vlog. Ang iba naman sa kanila ay kilala sa pag-gawa ng mga videos na nakatutuwa at ang ilan naman ay nakatutulong. Marami rin sa kanila ang mga gamers o ang mga tao na mahilig gumawa ng mga video na may inspirasyon ng mga laro sa kompyuter. Ang ilan naman ay mga beauty gurus o mga propesyunal sa larangan ng pagppaganda at pananamit.


Ilan lamang sa mga youtubers ang makikita sa larawan sa itaas.

0 (mga) komento :

Mag-post ng isang Komento

 

Blogger news

Blogroll

About