Jasmine van den Bogaerde



Si Jasmine van den Bogaerde o mas kilala sa kanyang stage name na "Birdy" ay isa sa aking mga paboritong mang-aawit. Siya ay isang British na mang-aawit at manunulat ng kanta. Nanalo siya sa isang patimpalak na tinatawag na Open Mic UK noong 2008sa edad na 12. Siya ay nakilala sa kanyang bersyon ng kantang Skinny Love ni Bon Iver. Ito ay naging platinum ng anim na beses sa bansang Australia. Ang kanyang unang album na self-titled ay inilabas noong Nobyembre 11, 2011 ay naging numero uno rin sa mga bansang Belgium, Netherlands at Australia. Ang kanyang ikalawang album na Fire Within ay inilabas noong Setyembre 23, 2013 sa UK at sa iba pang mga bansa.



Ang kanyang pangalawang album ay puno ng mga kantang kaniyang isinulat hindi katulad ng una niyang album na puno ng mga bersyon ng ibang kanta ng ibang mga mang-aawit. Isa sa mga paborito kong kanta ni Birdy ay ang All About You na nagmula sa kanyang ikalawang album.



Si Birdy ay isa sa aking mga inspirasyon sa buhay dahil katulad niya ako ay nangangarap din.






Kagaya ko, si Birdy ay masayahin rin.
















0 (mga) komento :

Mag-post ng isang Komento

 

Blogger news

Blogroll

About