The picture you see above is one of my favorite books of great writers and foreign na si David Levithan. Isa siya sa mga paborito kong manunulat at ang kanyang mga naisulat na nobela ay maituturing na mayroong magagandang mensahe at ito ay makatotohanan.
Ang aklat na ito ay tungkol kay A. Isa siyang espiritu na maituturing sapagkat kada nagpapalit ang araw, siya ay napupunta sa ibang katawan at sa ibang tao. Isang araw siya ay napunta sa katawan ng isang Justin at doon ay napamahal siya sa kasintahan nito na nagngangalang si Rhiannon. Doon nagsimula ang pag-ibig at paghihirap niya na maka-usap at makapiling na muli ang mahal niyang si Rhiannon.
Isa lamang ang librong ito na nagpakita sa akin ng kahulugan ng buhay. Hindi lamang si David Levithan ang nakapagpabago ng pananaw ko sa buhay gamit ang kaniyang malikhaing isip at husay sa pagsususlat. Malaki ang naitulong ng mga nobela at prosang naisulat ni David Levithan, at ng iba pang mga manunulat, sa paghubog ng aking kamalayan sa katotohanan.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento
(
Atom
)

0 (mga) komento :
Mag-post ng isang Komento